"Cynthia Luster?"
"Aba malay ko! Tanong mo kay Siwon. Letchugas, mahaba lang ang legs. Negring naman. Mukhang nadampot lang sa patay-sindi."
"Plunging neckline! Rita Gomez. Halos oblation run. Kipay nyorts kung kipay nyorts plus sign tubelya at pokpok heels. Rarampage sa Orosa?"
"At kung makapulupot, daig pa cobra. Ang itim naman ng siko."
"Pero ning. Daks ang future ni ate over mobelles."
"Eh bat ako nanaman tinitira mo? Tong baklang to makalait kala mo pagkaganda-ganda eh.
"Trulili namanchi! Eh eh eh eh eh eh eh ~ 2ne1! Gandara Park si wata! Mas taroosh ang lolabelles nyorks over Aglipay hammer na bracelilet ni Siwon."
"May nutring ka parin. Kipay ang hanap ni Siwon. At may kipay yung pokpok na maitim ang siko sa loob."
"Ay fatale! Warla!" at ayun nagsabunutan nanaman po silang dalawa habang umoorder si Siwon at Hyori ng makakain na ganda lang [libre].
Palabas naman na ng Sarang sina Minho at Key ng mapansin ni Key na Regal Drama Hour si Sungmin kasama ang isang gwapong nilalang. Lapit ang bekilet at sunod naman si Minho, ang tagapagmana ng pink na tiara.
"Titah, Simeon?" tanong ni Key. Punas luha naman ang KyuMin at may pagsinghot pa sa part ni Kyu. Kyu, masinghot mo kami nyan.
"Best friend ako ni Sungmin. Kyuhyun." may I introduce myself si papa Kyu. Sabay abot ng kamay. Kikiligin sana si Keykay pero si Minho ang naunang umabot. Ay Ate Vi, kala ko ba wit mo bet ng mentos? Pamintang durog. Isip-isip ni Key na napa-irap nalang.
"Si Minho, kapatid ng boss ko. Yun pala si Key, kaklase nya." kaway naman ang Keykay. Maharot na bata.
"Ate bestfriend lang? Hindi boyfriend?" pa-demure na tanong ng badette.
"Gaga, kiri lang. witchikels bufra. Siete Pecados kang baklita ka." napakunot nalang si Kyu sa pagpilantik ng dila ng kiri este kaibigan nya. Apat na buwan lang kase silang di nagkita eh nag-Optimus Prime na ang bestfriend nya sa pananamit, pagkilos at pananalita. Samantalang dati ay lalaking-lalaki ito.
"K Brosas. Flylalou na kami nitong si Minella." kaway ulet like a beauty queen si Key bago tuluyang umalis kasama si Minella este si Minho pala.
"Kailangan na rin ako sa parlor" nakatitig si Sungmin sa kapeng malamig, ni hindi man lang sumayad sa labi nya ang baso.
"Hindi ka ba talaga sasama sakin pauwi? Hinahanap ka nila tito. Nag-aalala rin sila sayo." Hinawakan nya ang kamay ni Sungmin, nagmamakaawa ang mata. Haba na ng hair mo teh. Maawa ka kay koyah oh.
"Sorry."
Cut tayo sa drama sabay cross-fade sa patayan sa labas. Inaawat na ni Minho, Key, Jaejoong, Shindong, Leeteuk at pati ang tambay na si Kangin ang warla ng mortal na magkaaway.
On the left corner. Standing 5 feet and four inches. Weighing 120pounds. Ang reyna ng kadiliman este ng Sarang restaurant, Marigel. Nagpupumiglas sa bisig ni Minho habang inaawat ni Shindong at Jaejoong ang pagsipa-sipa ng paa. Hala, masipa mo ang kagandahan ni Jaejoong at ang bagong gawang double eye-lids ni Shindong. Mahal yan!
"Ah putaasdjka)$^*^$%^&!!!###%&!!! Bitawan nyo ko sabi. Namputa nalalaglag yung bra ko bitawan nyo ko!"
"Jupiter! Bitaw kay Anaconda! Hayaan monek jumapit kay watashi paradise maboogie wonderland ang krefaz nyang Girlie Rodis na yanchi!" hawak ni Leeteuk at Key ang magkabilang kamay at naka-headlock kay Kangin ang ate ni Minho.
"Ano kuya? Ano sabi kuya Jaejoong?" confused nanaman si badette. Di pa nasanay sa lengguahe ng kapatid
"Wag mong bibitawan si Miss Marigel. Kakatayin sya ng ate mo." sabay ilag sa sipa ni Linda Blair este ni Marigel. Sabing masipa mo si BooJae eh! Awat nuhhh.
"Puñeta! Wiz kez makajingachi! Jitawan mo ko incredible nyulk.” Luwagan mo naman kasi ng konti yung hawak mo sa leeg Kangin. Inaawat lang. Hindi pinapatay.
Wala paring kaalam-alam ang mga tao sa Sarang na may riot nanaman sa labas. Si Pau busy sa pagmamaktol habang inuupod ang cashier sa pagpupunas. Si Janine hinahanda ang order ni Siwon at ng babaitang bracelet nya. Habang si Ellen naman nagliligpit ng mga mesa. Labas naman ang mag-bowa, i mean magbest-friend na si Kyuhyun at Sungmin. Nang Makita ang pamilyar na eksena, tumakbo at tumulong sa pag-awat sa amo nya si Sungmin. Syempre nataranta naman si Kyu kase first time nyang Makita ang regular na sabong sa gitna ng daan.
And by some weird twist of fate biglang nag-collide ang tingin nila ni Marigel.
“Tangina anong tinitingin-tingin mo dyan? Gusto mo rin ng away?”
No comments:
Post a Comment