"Tangina anong tinitingin-tingin mo dyan? Gusto mo rin ng away?" Singhal ni Marigel kay Kyuhyun . Duet sila ni Minho pero syempre sa utak lang ni Minho yun. Masamang tingin lang ang nagawa nya. Eh sino ba naman kasi ang di titingin sa ginagawa nyo? Para kayong nagpproduction number sa showtime, with matching buhat-buhat pa sa gitna ng daan. MMDA nasan na ba kayo? Awatin nyo nga mga to.
Bago pa man makabuwelo ang lahat lumabas na si Janine kasunod si Ellen. Naamoy nya na rin ang paghahalo ng balat sa tinalupan sa harap ng resto nila.
"Anobeeehh? May round two agad? Di pa ko nakakaretouch. Medyo sana naman kase mga once a day lang nangyayari to diba?" pagod na sabi ni Janine sabay punas ng ilong na pinapawisan. Nilukot nya minsan ang mukha bago nakihawak. Sumunod din si Ellen na nagtataka kung san pa hahawak kase ang dami nang pumipigil. No space for new hands.
"Ay,medyo sana tumatabi ka Minho para masaya diba? Atsaka medyo sana hindi ka rin pirming naka-akap sa ate ko. Damang dama mo naman yan. Kung tinatawag ko yung kuya namin?" tinabig ni Janine pagilid si Minho at bago pa maka-alagua ang ate nya eh sya na ang kumaladkad papasok. Habang si Jaejoong naman ay medyo kinilig ng nabanggit ang kuya. Nagsibalikan ulit ang lahat sa mga kanya-kanyang buhay nila.
"Lintik na buhay to oo, ako bunso eh ako nag-aalaga sa mas matanda sakin. Wag ka nang lalabas ate, pag naground 3 pa kayo gigilitan ko ng leeg yang si Siwon." Buti nalang eh wala na si Siwon ng sabihin ni Janine yun.
Ginagamot ni Pau ang mga kalmot sa mukha ng best friend nyang mukhang musang habang si Ellen naman nangangapitbahay bilang walang bumibili.
Habang nangyayari ang lahat ng ito ay may eroplanong naglalanding sa NAIA laman ang isang magandang diyosang singkit ang mata. Pero syempre dedma lang ang beauty ng mga bida natin kase sugatan pa sila sa Hundred Years war.
"Pakalaking salot talaga nyang baklang yan."
"Oh, tama na tama na. Gasgas na yang linya mo eh. Isip ka naman ng bago." Saway ni Pau sabay dutdot ng betadine sa feslak ni ateh.
"Aray naman. Matutuklap na balat ko eh." Sige reklamo pa Marigel. Ayaw kasing paawat.
"Alam mo kase, sana naman magbati na kayo. Nakita nyo naman, may girlfriend na pala yung pinag-aawayan nyo oh." May point sya. Hindi lang basta girl friend. Sexy at hot na girlfriend.
"Aba ang mag-asawa nga naghihiwalay, magsyota pa kaya. Atsaka ang manok mas madaling mahuli pag nakatali." Ay ambot sa imo teh. Kalurkey. "At isa pa imposible na kaming magkabati nyang si Heechul noh. Hindi lang naman basta kakirihan ang dahilan ng away namin eh."
"Eh ano nga?"
"Ah…. Basta! Imposiblle ok? Magpamisa ka pag nag-usap kami ng more than ten minutes nang hindi nagsasabunutan."
"Sabi mo eh."
"Magsara nalang tayo ok? Wala na kong gana. Baka lasunin ko lahat ng bibili dito pagkatapos limasin nung Aglipay na maitim ang siko ang resto natin." Kaya ayun, nagsara na nga lang din sila ng restaurand kahit di pa lumulubog ang sunshine cruz.
No comments:
Post a Comment