Tuesday, March 13, 2012

Parlorista: Pang-jimang Eklavu







"Siwon oppa~" sabay bat ng eyelashes like there is no tomorrow. "Dito ka ba maglalunch sa Sarang? Its on the house." Marigel, ay ang harot. Grabe.

"Nako! Wai kang kakain diyan. Alam mo bang nasightsung ko kanina may jipis nagffly fly the butterfly sa resto nila." entra ni Heechul sabay angkla sa braso ng matangkad, gwapo at mayamang papable na si Siwon. "Alam mo mabuti pa, ipagluluto nalang kita ng lafang sa balur kez. May free pang full-body massage sa salon." sabay angkla sa braso at hatak papuntang Pink Agency.

"Hoy amozonang bakla walang ipis sa restaurant ko. Baka namamahay sa buhok mo pwede pa." Sige panay lang ang irapan ng dalawa.

"Kipay na tetch ke maka-Ana eh kalachuchi ganders shell. Fes namanchi Mayta." bulong ni Heechul pero syempre rinig din ni Marigel.

"Granada de EspaƱa. Kala mobelles waing ketch getsung yag pinagspookla mobelles? Daotera kabelles, kyung chuckie akembang, bonggadera ka? Witititit ka namanchi betsive ng byola makadramatization. At Iza Calzado, wit bet ng lababo ketch ang nutring. Ruler sya. Witchelles silahis ng araw." nagnosebleed nalang po si Siwon at nagdasal ng tatlong Hail Mary. May masterals din kase ng bekinese si ateh dahil friendship nga sila dati ni Cinderella. Ngunit bago pa makapagtanong kung nagla-latin ba ang dalawa or Kenyan.

♫♪Because I naughty naughty, Hey!♪♫

May nagtext!

Ay tawag pala. Sinagot ni Siwon and nyelpi este celphone. "Hello. Oh yeah, I'm here. Ok. I'll wait for you. See ya."
Sabeeeeh? Sinetch itey??

Habang patuloy ang pagbulong ng mga patutsada ng dalawang manliligaw ni fafa Siwon, sa loob naman ay patuloy ang pag-film ng maalalala mo kaya KyuMin edition.

"Ano ba talaga ang balak mo? Bat kailangang nandito ka at ito ang ginagawa mo?" kamot ng ulo, sige pa Kyu. Dandruff? Sa kabilang side ng counter ay tinutunaw sila ng masamang tingin ni Pau. Oy, ikaw magma-mop nyan bahala ka. Ayaw pa kasing pansinin si Dong eh.

"Ow Em Ji talaga. Nakakaasar. Ok lang naman mga bakla eh. Ok lang talaga pramis. I like it. Pero ugh!!! Bakit? Bakit si Sungmin? At bakit ang gwapo nung boyfriend nya?"

"Hoy ate pau, mapudpod yung counter kakapunas mo." sabat ni Janine sa pagkausap ni Pau sa sarili.
"Eh hindi naman kase talaga makatarungaaaaaan." atungal pa sige Paulyn.
"Hindi mo ko gayahin… Pag andyan si Jaejoong, damba lang ng damba. Pasasaan ba't madadapa rin yan." ay grabe. May ganung factor?
"Anong gagawin ko? Eh tignan mo sila oh ang sweet sweet… At hindi naman ako homewrecker no."
"Eh try mo kaya yung sa lalaki ka naman magkagusto for a change no ate Pau? Gagaya ka sakin, eh wala akong pakialam a kasarian ni Jaejoong. Kung gusto nya ako lalaki, keri lang." may pagkadesperado teh?

Zoom out palabas ang kamera sa malapit nanamang sumiklab na World War 3.63738338. Tutusukin na sana ng thinning shears ni Heechul ang ex-bff nya nang may biglang paparating. Sinetchiwa itechiwa???

Long legs, tanned skin, and long wavy hair. Tsumutsunami walk pa si ate. Shamcey Supsup ikaw ba yan? Hinde teh. Mas bongga. Kabog ang lahat. It's the princess Lee Hyo Ri. She's back. Yeah. Two double-o eight. We ready? Chitty chitty bang bang! You go geol!

 "Hey babe!" kaway tapos sabay lingkkis kay Siwon. Nag-red alert ang Mount Mayon at Pinatubo. Hala ka teh.

"Let's go." with matching hand gesture papasok ng restaurant kala mo flight attendant na nagpapaupo si Siwon sa designated seat. Habang ang dalawa naman nating bida ay naiwan sa labas Biter Ocampo. Behlat~

"Cynthia Luster?"

No comments:

Post a Comment