Tuesday, March 13, 2012

Parlorista: Ika-kyopat na Chenelyn






Sa Sarang naman busy na ang lahat dahil lunch time. Nandun ang regular customers nila na sina Jonghyun at Sohee. Sa Sarang sila unang nagkita, dun din sinagot ni Sohee si Jonghyun. Biro nga ni Marigel eh pag kinasal ang dalawa dapat sa sarang ang reception para may discount pero sinabi nya rin yun sa last girlfriend na dinala dun ni Jonghyun si Sunmi. At sa lahat ng iba pang mga past girlfriends na nakilala, pinasagot at binreak ni Jonghyun sa Sarang: Sina Ye Eun, Yoobin at Sun Ye. Memorized nilang lahat ang track record ni Jonghyun at inaabangan lagi ang susunod na kabanata. Kung meron mang loyalty si Jonghyun, sa Sarang restaurant lang siguro dahil dun parin nya dinadala ang mga nagiging syota nya.

“ Chocolate cake for Ma'am sohee.”

Binaba ni Ellen sa table ang order ng magsyota pero muntik na nyang maitapon sa mukha ni Sohee ang yummy chocolate cake ng nakita nyang papasok ng restaurant ang kapatid ni Heechul at ang best friend nito.

“Janine, ikaw muna ditto…  Bilis! Dito kakain si Key.” Nagpunas ng kamay sa apron si Ellen.
“Wait, may…” Pero bago pa maituloy ni Janine ang sasabihin nya eh iniwan na sya ni Ellen at sinalubong na si Minho at key sa pinto. “… gagawin pa ako. Talaga to oh. Aishh!!”

Sa kabilang table naman inaasikaso ni Pau si Sungmin at si Kyuhyun. Masinsinan ang usapan ng dalawa. Binaba ni Pau ang mga order nila at lumipat sa ibang table.

”Thanks Pau.” Ngumiti si Sungmin.
”Bakit kailangan mong gawin to? Hindi mo ba alam kung gaano ako nag-aalala para sayo? Sa gabi hindi ako makatulog kakaisip kung nasan ka? Ano na ang nangyari sayo... Kung maayos ba ang kalagayan mo.”
”Ayos lang naman ako ah.” Nangingilid ang luha ni Sungmin. Pinipigil nyang umiyak at sinusubukang ngumiti pero isa-isang tumutulo ang mga luha sa pisngi nya.
”Ni hindi mo man lang naisip na tawagan ako. Parang balewala sayo lahat ng pinagsamahan natin. Tignan mo nga yang sarili mo…. Anung ginagawa mo?”

Napaakap nalang si Sungmin kay Kyuhyun at tuluyan ng umiyak.I nakap din sya ni ng lalaki at hinaplos ang buhok.

“Sungmin, please come back.”

”Nakakainis….. Bakit ganun?” kagat labi si Pau. Kunot noo lang ang bestfriend nya na boss din ng Sarang.
“Oh, bakit nanaman?”
“Tignan mo nga yun?? Tama ba naman yan?? Ang gwapo-gwapo nung kasama ni Sungmin. Boypren nya siguro… huhuhu… Bakit ba lahat ng gwapong lalaki bakla?? Pano naman na ang lovelife nating mga babae?”
“Malay mo naman kung bestfriend nya lang yun. Parang tayo lang.” sabay naaw ng kiss si Marigel kay pau. Pinalos sya ng kaibigan sa braso.
“ Tsaka nandyan naman si Shindong para sayo eh. Ayaw mo lang pansinin. Haha.” Tawa pa.
“ Shindong ka dyan? Pwede ba? Never ko papatulan yung tabachoy na yun noh. Waa…. Ang gwapo talaga nung kasama ni Sungmin. Cute si Sungmin pero gwapo rin sya. Kyuhyun… mapapasakin ka.. Rawrr.”
”Adik. Di malaman sino ba talaga pinag-nanasaan mo eh. Magserve ka na nga lang dun…. Kunin mo tong take-out nila Jonghyun. Para kang timang… ... ... Sandali… Shockz! Sya ba yun?? Omg!! Sya nga. Dyan ka lang wag kang magulo.”
”Tignan mo tong babaeng to, makita lang anino ni Siwon parang sinisilihan ang pwet kung makakaripas ng takbo.” iiling-iling nalang si Pau habang kinukuha ang take-out nila Jonghyun.

Apparently ay padaan ang papable na si Siwon sa Sarang. At katulad ng lagi nyang ginagawa eh haharangin nanaman ni Marigel ang fafa at pipiliting sa Sarang maglunch at on the house daw.

Habang busy si Marigel sa paghalina kay fafa Siwonie ay busy rin si Ellen sa pagkarir sa favorite customer nya…

“Ano pang gusto nyo? May order pa ba kayo?”
 “Tehh, wala na. Keribels na tey. Lam mo na? Diet Ocampo ko. Narinig ko kase may Miss Gay next year. Girl, sasali ka ba?”
Tumingin-tingin sa paligid si Minho bago sumagot. “Ako? Hindi. Inaaya ako sa liga eh. Point guard daw ako.”
“Well good. Ayokong masira ang friendship natin just because of a stupid pageant. You know? Hindi kita masisisi if ma-Gelie de Belen ka sakin the moment na magWinnie Santos ako. I'm just… too funtabulous.

“Ok.” Mababang sagot ng kausap nya.

Obviously hindi interesado si Minho sa Miss Gay Barangay dahil sinisipat nanaman nya yung may-ari ng Sarang. Kaso si ateng may iba ring sinisipat. Jusme, ikaw ba naman kase makakita ng anak ng diyos sa kagandahan ng abs at kagwapuhan di ba naman luluwa rin ang mata mo?

No comments:

Post a Comment