Tuesday, March 13, 2012

Parlorista: Ikrolawang Chorva




Sa pink agency naman kadarating lang mula sa eskwela ng kapatid ni Heechul na si Minho. Sya ang prodigy ng mga parlorista na susunod sa mga yapak ni Cinderella. Kasama nya ang kanyang bestfriend na si Key. Actually parang mas feel ni Key na sumunod sa footsteps ng mga parlorista kaya panay ang dikit nya kay Minho para maexpose sa wonderful world ng Pink Agency. Kasabay nilang umuwi ang oversized na kapatid ni Leeteuk, si Jing. Kahit beauty queen ang kuya/ate nya galit sa bading ang bagets na ito kaya sobrang naalibadbaran sya tuwing pag-uwi nya dahil sa parlor sya dumidiretso. Tumambad sa mukha nila ang 'kagagaling ko lang sa sakla at natalo ako' face ni Chul.

“Kuya, bakit ganyan nanaman itsura mo? Nag-away nanaman kayo ni ate Gel?” tanong ni Minho sa nakabusangot na kapatid. Hindi man lang kumilos si Heechul kaya si Sungmin na ang sumagot.
“Ano pa nga ba? Parang laging bago ng bago tong badet na to…. Di na nasanay” Sabay hila pataas ng hot pink pants at walk out sa eksena. Tsaka lang sya hinarap ng kuya nya.
“Jupiter, unang una… Wag mo akong kinukuya… intiendes? Di ka ba kinikilabutan sa pinagkukukuda mochina?  Koyah??? Yuck there huh? Krolawa… wag mochinang iniispukla ang namesung ng babaitang iyon carry? Baka biglang mag-appear nanaman.  May-i-repeat ka pa dyan at jujurutin ko na ang jingit mong baklita key...

“Opo… ate.” Napalunok nalang si Minho. Kinalabit sya ng kaibigan nyang ahit na ahit ang kilay
“Kiri… tara… Let's play shogo-shogoan over there oh.”
“Jing, gusto mong sumali?” aya ni Minho sa nag-iisang babae sa parlor.
“Ayoko nga!Kayong dalawa nalang maglaro. Kung gusto nyo isali nyo yang si Kuya Jokwon. Magbaklaan kayong lahat.” nag-pantig ang tenga ni Keykay sa sinabi ni Jing
“Wwag mo nnang pilitin si Kelvinator. Alam mo namang galit sa diyosa yang jubis na yan.”
“Hoy payatot, sinong mataba? Dyan na nga kayo. Pareho lang kayong malnourished nyang si Minho eh.”
“Che! Tignan mo nga ang hair ni Minho, ang lambot, ang dulas, para syang nagpasalon…. Yan ba ang malnourished? Tignan mo nga yung abs nya. Parang kargador ng isda sa GenSan.”
At naglaro na nga lang si Minho at Keykay
Shogu-shoguan
Ning ning galore ang buwan
Pagcounting ng krompu
Naka-shogu na kayey
Jisa
Krolawa
Shotlo
Kyopat
Jima
Kyonim
Nyotert
Walochi
Syamert
Krompu
Mga beki, andetrax na si atashi 

Lalabas na sana ng parlor si Jing ng makita nya si Kangin papasok. Si Kangin ay tambay sa kabilang kanto na ang official profession ay ang pagdodota. Kahit na uber ang tanda nya kay Jing pinopormahan nya ang bagets. Child abuse? Anu buh?

Biglang bumalik si Jing at nagtago sa likod ng kuya Leeteuk nya. As if maitatago sya ni Leeteuk diba? Eh ang laking tao kaya nya.

“Wow, kang-in you're here… Kumain ka na ba? Magpapamasahe ka? Pasok. Jing bumili ka ng meryenda….. Go girl… bilis.” Mabilis pa sa alas-kwatro si Leeteuk.
“Bat ako? Si Shindong utusan nyo.” Protesta ng kapatid nya. Biglang entra si Jokwon, nagkakamot ng ulo.
“Nasan na nga ba yang si Shindong? Hay naku mga bakla… makakalbo na ako sa dami ng ginagawa dito tapos waley sya?? Nakakalurkey ha…. Pag nakita ko yang baboyband na yan bubudburan ko sya ng mang tomas!”
Si Kangin hindi alintana ang pag-aalburoto ni Jokwon nagawa pang dumiga
” Jing wag ka ng mag-abala pa,dont bother” Aba umingles pa ang mokong. Pero parang Shindong at Pau part 2 lang ito. Isang irap ang isinagot ni Jing sa kanya.
“Obvious bang bothered ako?”
“Jing wag mong binabastos ang bisita.” Pinandilatan ni Leeteuk ang kapaid. “Wwag mong pansinin yan Kangin. Dun ka na nga Jingjing. Makipagtagu-taguan ka kila Minho at Key.”

Panay ang masahe ni Teukie kay Kangin. Maya-maya pa ay may pumasok na poging nilalang sa parlor. Nawindang ang lahat sa cuteness. Tipong boy next door ang papa at parang ….. Amoy Johnsons’ Baby Powder… Haplos at yakap… kaybango…

Nag-unahan pa si Jokwon at Heechul na lumapit sa papable na itetch at kulang nalang ay dambahin nilang pareho si mister pogi. Nagduet pa sila sa pag-entertain kay pogi.

“Yes? Cinderella's Pink Agency. How can I help you?”, sabay tabig sa isa’t isa

"Nandito ba si sungmin?" 


No comments:

Post a Comment