"Nandito ba si sungmin?" Ay… iba pala ang hinahanap. Pahiya ang beauty nila. Napa-ismid nalang si Jokwon
“Oh mga beks, si Sungmin daw nasan? Sino po ba sila?” Hinagod ang fafa ng tingin mula ulo hanggang paa.. Sarap
“Kaano-ano po ba nila ang baklang yun?” Sabay flip ng hair. Kala mo mahaba ang buhok eh.
"Bakla?―Ahh…. Best friend ko si Sungmin. Dito ba sya nagtatrabaho? Ako nga pala si Kyuhyun." Mukhang nawiwindang ang fafa sa mga diyosa nating friends. Maya-maya pa ay lumabas na ang kakambal ni Barbie Doll.
“Kyuhyun? Anong ginagawa mo rito?”
“Yan sana itatanong ko sayo, kaya ako nagpunta rito.”
Mukhang serious talk itetchiwa mga badet. Hinila palabas ng parlor ni Sungmin ang gwapong-gwapo na si Kyuhyun. Tamang-tama at pabalik na ng parlor si Jaejoong at Shindong.
“Cynthia?” Palingon-lingon pa si Jaejoong sa gwapong estranghero. Sinimangutan lang sya ni Jokwon.
“Jowabelles ni sungmin yun teh.” Sagot ni Heechul. “Papa Kyu daw ang namesung…. Masarap pa sa barbecue... Papa Kyu…. Yun talagang balaj na yunchi, shinoshogo pa satin….. Obvious namanchi teh….. Mara-mara talaga yang beks yan…
“Let it be nalang natin Mother. Happy toothpaste nya yan.” Pademure na smile ni Jaejoong. Sabat naman si Shindong.
“Akalain mo nabingwit nya yun?” pero nabarbara Streisand sya agad ni Jokwon.
“Hoy, dong! Saanchi ka nanaman nagfa-fly me to the moon? Nose line mo bang ang damidaming trabaho dito sa parlor tapos disappearing act ka?? Tama ba naman yanchi!!?? Ang lakas-lakas mong lumafang pero wit ka maasahan. Yung jilaw sa banyorks pundido nanamanchi….. Yung lababo Barbara Streisand. Pano tayo mabubuhay ng matiwasay sa mundong ibabaw kung ganyan ka? Kung ako lang ang mudrakels mo at nosejob kong magiging ganyan ka di sana nung biik ka pa lang tinakpan ko na ng basang lampin na may pupu yang mukha mo ng hindi ka na nakapaghasik ng bobonika plague sa mundo… KAIMBEEEEYYYY!!!!!
”Teh, ang volume pakpihit sa low. Yung eardrums ko oh nireregla na.” Kung kanina sya ang warlita mode, si Heechul naman ang umaawat kay Jokwon sa pag-katay kay Shindong. Kumuha ng cotton buds si Jokwon inabot kay Heechul sabay sabi "Yan teh, magnapkin ka!" flip ng hair sabay layas. Pero bago makalabas ng pinto nagflip ulit ng hair pinandilatan si Shindong sabay sabing "Baboy!" Napailing nalang si Heechul sa katarayan ng assistant nya.
“I-event mo tong beking to. Highblood galore. Sya dapat tapalan ang pekpek ng napkin eh. May moodswings pa ang vaklers? Mga beks ako ang boss nyo ditembang. Konting r-e-s-p-ec-t naman up to here. Ikaw naman kasi Shindong wag mo nang ginagalit yung si Jokwon at knowssung mo namang parang mount pinatubo yun pag award mode. Ayusin mo para rendezvous sa award.”
“Ano bang ginawa ko?” clueless ang kawawang Shingdong.
“Sasagot ka pa eh… Bilis maghanda ka ng meryenda. Nandito si Kangin.” Sabay masahe si Leeteuk sa kanyang paboritong bisita.
No comments:
Post a Comment