Tuesday, March 13, 2012

Parlorista: Ang Pinaka-Bonggacious na Fic sa Balat ng Lupa


A tagalog crackfic.





Unang Kabanata



"Poohnyeta yang keps na yan! Shuta! Kakalbuhin ko sya!! Anong akala nya gandara park sya?? Witititit! Hoy teh! Nagkataon lang na mas daks ng konti yang future mo sakin ng ilang kagat ng jumok noh…. More fes kang beki kesa kay wata!!! Wag nyo kes pipigilan… bitawan nyo keeeTTTch!…"

Nagsusumigaw si Heechul a.k.a. cinderella sa tapat ng parlor nya. Hawak sya sa magkabilang braso nila Sungmin, Shindong at Jokwon. Para syang nag-aacrobatics at stunts sa mid-air dahil sa pagsipasipa nya.

"Salot! Isa kang malaking salot! Magpakulot ka kaya dyan sa mga alipores mo para ipersonify mo yung basta kulot salot?? Multong bakla! Bampiraa!!" nagliliyab din sa galit si Marigel na hawak naman ni Jaejoong sa bewang at pinapaypayan ni LLeeteuk. Nagpupumiglas sya at gustong-gusto nang sabunutan ang kakarebond lang na si Heechul.

"Awat na… awat na madir…. Ang rebond mo baka mag-disappearing act ang bisa…" sabi ni Sungmin sabay hila pataas ng kanyang hot pink na pants na kanina pa nalalaglag dahil sa pagwawala ni Heechul. Pwede na syang neon sign sa sobrang pagkapink―pink shirt, shoes, nail polish with matching boa feathers na pink parin―maiinggit si Barbie Doll sakanya. Nakaframe sa pink ang gwapong-gwapo paman din sanang mukha nya.

"Miss Marigel, baka pwede naman nating daanin sa mabuting usapan to. World peace! Kumalma po kayo. Ang mukaps mo girl humuhulas…. Iretouch natin. Jejuko~ hold mo mabuti…. Ayan… ang oily. Mag clean and clear ka girl." hirit naman ni Leeteuk. Ang pinakamagandang bakla sa barangay―Nung year 2000! Pero up to now ay carry parin nya ang title na ito dahil never nang nasundan ang miss gay na yun. Napaka funtabulous ng lola mo with his long gown at high heels kahit tirik na tirik ang araw at may super long golden piluka with matching feathered tiara pa sya. Ang taray!

"Anong mabuting usapan? Forever nang pinasasakit ang bangs ko nyang bampirang yan… Isa syang malaking hadlang sa pagmamahalan namin ni Siwon! Ang kapal ng mukhang tawagin ang sariling Cinderella! Baka evil witch pwede pa! . "

"HOY! Babaeng bangs na tinubuan ng katawan at mukha! Anikels na pagmamahalan ang kinokokak mo? Ambisyosa! Ilusyunada ka rin no tehh? Ayusin mo buhay mo te…. Kelan ka pa naging fillet o fish ni Siwon? Saan? Sa dreamland? Pangarap na bituin? Umayos ka ngang mahadera kang bilat ka!"

"Jaejoong bitawan mo ko!!! *hingal* Babasagin ko bungo nyang hampas lupang bakla na yan!"

Nahilo na si Jaejoong. Di malaman kung hihigpitan ang hawak o bibitawan ang babaeng ito.

At pati si Jokwon ay napikon na. binitawan na si Heechul at tinanggal na ang kanyang salamin at flip ng hair. Sabay humirit with a very Nora Aunor accent…."Ayoko na. Ayo00-koo--- nah! (put nora aunor hand gesture here)Pagoda cold wave lotion na si atashi! Mga beks...bayaan na natin yang dalawang yan magsaksakan. Araw-araw nalang na ginawa ni Lord. Hindi pa kayo magpatayan kung magpapatayan nga kayo. Kamisochina ang matetegi sa inyo. Ka-Lucresia Kasilag kayey! " flip ng hair sabay pasok sa loob ng parlor.

"Shindong pakihawakan mabuti si Mother..." nag-aalalang sabi ni Jaejoong. Pero bago pa makalapit ang all-around kasambahay ng mga vaklushi kay Cinderella..
"Oops! Noli me tangere. Don’t touch me! Yuck there… germs… eentourage na rin akey sa balur. Witchelles ko bet ng sight ditembang. Ang chaka! Babush!"


Halos araw-araw ganyan sila. Parang laging may sabong sa harap ng parlor. Laging referee ang role ng mga parlorista sa giyera patani ng may-ari ng Cinderella's Pink Agency na si Heechul at ang anak ng may-ari ng Sarang Restaurant and Café na si Marigel. Magkatapat lang ang dalawang establisimyento kaya malamang everyday silang magkikita.

Bukod sa pagiging may-ari ng parlor, si Heechul din ang top hairstylist sa agency. Actually sya ang stylist ni Marigel bago dumating si Siwon sa eksena at nawindang ang mga mundo nila. Nagtatrabaho sa parlor ni Cinderella sila miss gay 2000 Leeteuk, ang pinakamataray na parlorista at kanang kamay ni Chul na si Jokwon, ang napakamahinhin na si Jaejoong, ang embodiment ng pink-power na si Sungmin at ang dakilang utusan ng mga parlorista na si Shindong. Sa Sarang naman may dalawang waitress na kaibigan ni Marigel na sina si Paulyn ang pinapangarap na bituin ni Shindong at si Ellen ang maypagka-auti na nilalang. Tumutulong din ang kapatid ni Marigel na si Janine, ang masugid na manliligaw ni Jaejoong.

Smooth sailing naman sana ang relasyon nilang neighbors kaso biglang lumipat sa kabilang stall ang Chinese porcelain shop na may napakayummy na owner. Bukod sa matangkad, chocolate abs, mayaman, religious at mabait, kamukha nya ang kinababaliwan ni Marigel na si Kangta kaya ganun nalang ang pagnanasa nya sa very papable na si Siwon. At dahil nga sa pagiging Mr Perfect nya, pati si Cinderella ay naakit sa kanya at dun na nga nagsimula ang bangayan ng magkapitbahay.

Habang papasok si Heechul ay sinosoli na rin ni Jaejoong at Shindong si Marigel sa Sarang… Tuwang-tuwa ang waitress na si Janine dahil nasilayan nanaman nya ang angelic na mukha ni Jaejoong. Ok na Ok lang sakanya sa nag-aaway si Marigel at Heechul dahil dun napapadalas ang punta ni Jaejoong sa restaurant. Pinagtimpla nya agad ng juice ang mahinhin at mabait na parlorista.

"Ellen, asikasuhin mo si yoiBFEW`Wq Ate… Ako na bahala dito kay Jaejoong… Ate Pau! Bigyan mo rin ng juice si Shindong. Busy ako dito… *sabay punas ng pawis kay Jaejoong* ok ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan..?"

"Ah, Janine ok lang ako… Wag na… Kaya ko na… Nandyan ba yung kuya nyo?" may halong bang pandidiri yang pagtanggi mo Jaejoong? At si kuya talaga ang hinanap?

"Teka… Bat ako magbibigay ng juice dyan kay Shindong? Ellen ikaw na. May mga customer pa kong aasikasuhin" pagdadabog ni Pau.
"Ok lang ako… makita ko lang ang kagandahan mo Paulyn tanggal na ang pagod ko" sabay smile ng napakatamis at tingin ng mas malagkit pa sa biko ang chubby na si Shindong. Bilang ganti isang tumataginting na "Ewan ko sayo! *irap*" ang natanggap nya kay Pau na lubos na nagpasaya na sakanya. At least pinansin sya diba?

“Ate Gel, dadating daw kuya nyo mamaya…. Kasama yung pinsan nyo.” Sabi ni Ellen.
”Sinong pinsan? Wag mong sabihing si Junsu… tama na yung ikaw lang ang autistic dito… wag na syang dumagdag sa sakit ng bangs ko.”
“Ito talaga.Hindi si Kuya Jun… si Ate Gain.” Pagpapaliwanag ni Janine. At biglang nagreklamo nanaman si Pau.
”Yung feelingera na yun? Kala mo kung sinong maganda.  Porket laking stateside… kung makapag-utos. Pinsan lang naman syaa… kala mo sya ang may-ari. Yung may-ari nga di tayo ginaganun.”
“Wag kang mag-alala Paulyn, kahit sinong imported pa ang dumating dito, ikaw parin ang pinakamaganda para sakin.” syempre andun parin si Shindong diba? Oh ayan naman pala ang knight in shining armor mo eh.
“Tinatanong ko?” sabay matamis na irap ulit.


No comments:

Post a Comment